Dear Rylee,
It's been 2 months since you said good-bye to Mommy. But the feeling is still the same. Parang kahapon lang nangyari. Don't get me wrong son, i know you are happy now in heaven. It's just that I miss you dearly. Lahat na ng bagay sa buhay namin dito sa Singapore bumalik na sa normal pero ung feelings ko abnormal pa din. I tried looking at your pictures dun sa NICU pero ung sakit ng mga pangyayari nandun pa din. Sa mga oras na sinusulat ko ito iyak ako ng iyak. Kailangan gawin ito ni mommy kasi nahihirapan ako ikimkim sa loob. I'm trying to be normal, to act normal son but it's hard. Sobrang masakit talaga. I'm praying to God to embrace me right now. siguro kaya din ako ganito kasi nakabasa ako ng mga sulat ng mga mommies na umalis din ung mga anak nila kasi nga tinawag na ni Jesus.
Sometimes anak I don't want to be alone. Kasi naalala kita. Alam mo di naman takot si Mommy na bumuhat ng mga babies, di din ako takot na tumingin. Alam mo i admire babies and kids and I'm so happy for their parents. Di naman naiingit si mommy sa kanila kasi may Rylee ako. Saka ikaw lang ung gusto ko buhatin at yakapin. Ikaw ung gusto ko halikan, ikaw ung gusto kong yakap. Gusto kita marinig na umiyak. Akala ni mommy ready na cya to have Ryle Miguel pero ayoko maging unfair sa kapatid mo. Ayoko dumating ung time na hawak ko si Ryle pero iniisip kita at guilty ako or worried ako na may mangyayari din sa kanya. Kaya ko ito ginagawa kasi gusto talaga ni mommy mag-grieve ng tama.
2months son.. It's been 2 months pero i'm still sad for your lost. But don't worry ginagawa ni Mommy lahat para maging ok. Nasa process kasi ung acceptance based dun sa mga binabasa ko and I believe this is part of my acceptance. Di naman kasi ganun kadali na kalimutan ang katulad mo na gwapo, mabait at malambing na bata.
Naalala mo pagfeeding time na natin pinapatutog natin ung baby einstein na songs mo galing kay Tito Seph. Di ko na ulit napatutog un. Pero in time mapapatutog ko din un. So far medyo nahimasmasan na ako. I'm thinking clearly na.
Ikaw talaga Rylee you have ways to make me smile. Nakakatuwa ka na pagtingin ko sa laptop ni Daddy nakita ko ang napakagandang smile mo at napawi lahat ng lungkot ko. Like what I've said before, Mommy can't promise na i won't cry but I can promise you that I will move on and I will be strong and brave like you. If you will find me crying again it's because I really really miss you.
Hay malamang busy ka na naman sa mga trabaho mo sa heaven pero sana anak dadalawin mo ng madalas si Mommy at Daddy. Alam mo ba na binigyan ka ni Nanay La mo ng madaming lobo nung birthday nya? Si Papa Lo mo naman namimiss ka na din Buchugg.
Sana no pwede kita dalawin dyan kahit sandali makita at mayakap ko lang kayo ni Angel :) but It's not yet my time kaya papakabait kami ni Daddy para siguradong sa heaven kami pupunta :)
Sa ngayon nagbabasa pa din si mommy ng mga tips on pregnancy, baby related materials para ready si Mommy sa pagdating ni Ryle Miguel sa buhay natin.
I really really miss you my Rylee pot. I love you forever.
Love you forever,
Mommy
*sigh*
ReplyDeleteheavy heart din ako when reading your posts sis, but there is also hope on the last part of your letters. keep it up!!! Keep you positive spirit.
Take care!