I wrote this last May 18, 2011 at 9:27 AM, 2 days after Rylee made his goodbye. I made this letter/email to my fellow
N@wies to share my pain after losing a child whom I love so much.
To my naw family, thank you for your love and prayers for Rylee, for me and my husband and our family.
=======================================================================
Hello Nawies,
First, I would like to thank you all for the prayers and love you shared for my son, Rylee, to my husband Rudy and to our family.
Di ko na maiisa-isa kayo but I'm really greatful po sa mga messages nyo. Minsan nalulungkot ako isipin kasi lagi ang nasashare ko dito eh ung pagkawala ng mga anak ko.
I'm trying to be sane, sa ngayon kailangan ko ito gawin para mailabas ung sakit na nararamdaman ko. Basag na basag ako ngayon. Kami ng asawa ko. Ang bilis-bilis ng mga pangayayari at ngayon ako ang nakatingin sa anak ko na payapa na nakahimlay.
What really happened to Rylee? Last Sunday morning napapahirapan nya ako magdede cya sa akin. Eh malakas cya magsuck at typical around 10-15mins cya magdede. Nung morning na un tinatangihan nya ako pero alam ko gutom na cya. I tried to express my milk para madede nya sa bote, he tried pero konti lang. Nung napayapa ko cya from crying dumede na cya sa akin pero sandali na lang hangang sa makatulog cya. Around 10:30 nagising na naman. Laro-laro muna bago paliguan. No signs of anything at dumede sa akin ng marami hangang nakatulog.
2pm: ito na, iba ang gising nya aburido cya. so i thought gugutom lang cya. I tried to feed him kaso ayaw nya talaga. tapos iba na ung iyak nya bilang cyang namutla at nanlamig. Nung hinipo ung tyan matigas so akala colic na naman kaso iba talaga ung pakiramdam ko. walang liguan pinack namin gamit nya at pumunta kaagad sa st. luke's. Wala kaming driver so taxi lang. Sa taxi iba na ung iyak nya alam mong nahihirapan cya. I tried talking and holding his hand na sinasabi ko na konting tiis anak, malapit na tau sa hospital. I love you rylee habang yakap cya ni mama. Pagdating namin sa ER inasikaso naman cya. Mabilis ung pangyayari nakuhanan na cya ng blood test, x-ray etc. Awang-awa na ako kay Rylee sa mga inilalagay sa kanya. Unang diagnosis baka sepsis kasi nga may mga cases daw na nagmamanifest after birth. Dinala kami ng wheel chair papuntang ICU. Wala akong kamalayan na during those times eh 50/50 na si Rylee. I'm just hugging him and telling him that I love him so much. I'm so sorry for the pain. Paulit-ulit un. Pagdating sa NICU kinuha cya kaagad ng mga doctor at inilabas ako. Ayaw ako kausapin ng mga doctor at nurses kasi tanong ako ng tanong kung kamusta cya after one hour i think dun ako nilabas ng doctor at kinausap, ask ng history saka kung may symptoms akong nakita sa anak ko so ako kwento. Then inamin nya sa akin na nirevived nya si Rylee dahil nga nawala ung tibok ng puso nya. Hay para akong binagsakan ng kung ano sa puso. dun din sinabi na nagpatawag ng cardiologist at surgeon to check ung heart at liver/intestine nya. Sa totoo lang pilit ko inaabsorb ang lahat pero di ko na maintindihan. Around 5pm dumating ung surgeon initial diagnosis nya ung Hisprung diseases na sinasabing may di nadevelop na ugat sa akin na nagdudugtog sa large intestine at anus. Operation lang daw ang pwedeng gawin dun. Kaso macoconfirmed lang un once Rylee got stable para makakuha ng bagong X-ray. The doctor tried na pa-pupu si Rylee and in 1 hr nakapupu cya 3 times sobrang saya ko nun kasi na-ruled out ung Hisprung disease.
Habang nasa loob kami ng NICU sobrang bilis ng oras. The nurses sedate my son, ung reason masyado cyang malikot at natatangal ung mga apparatus na nakakabit sa kanya. while giving the antibiotics na pinapasok sa may kamay nya si Rylee alam kong umiiyak kaso dahil may respirator walang sound na maririnig. I'm holding his hand at parang nagsusumbong na "mommy masakit" ang sabi ko na lang. Rylee sorry for the pain son. Kaso kailangan mo yan. Mommy is here. mommy will never leave you. Mommy loves you so much. At nakikinig si Rylee na sinasabing ok mommy I will. Eh ang liit-liit nya. Kung ako nga nilalagyan ng antibiotics nung pinanganak ko cya eh sobrang nasasaktan paano pa ung anak ko na maliiit diba. He got stable for a few hours. Di ko nga alam kung matatwag ba talagang stability un kasi nga may nakakabit na apparatus sa kanya.
Around 11pm umakyat ako sa chapel sa may 5th floor. I prayed to Jesus and I told him na hindi ko isususko si Rylee, Sabi ko nga binalato ko na sayo si Uno. Usapan natin diba na kapag nagtuloy-tuloy ung pregnancy ko at nailabas ko c Buchugg akin na ito. Bakit ngayon binabawi mo. I'm asking for a miracle kasi pinatatagtag ko ung faith ko. Honestly while praying ung subconcious ko nakakakita ako ng ambagan, lamay, casket. Kaya lalo akong naging matigas na Lord di ko isususko si Rylee.
Nakabalik ako ng 3rd floor sa NICU ng quarter to 11. Bigla akong tinawag ng nurse kasi medyo stable na daw si Rylee. Pero namali pala ng twag ang nurse. Dun ko nakita na nirerevived si Rylee. Nung mjga oras na un di ko alam mararamadam ko. Bumagsak ako sa sahig at hirap na hirap ko tingnan si Rylee. He's fighting for his life. Nung nakita ko cya sa ganung kalagayan ang nasabi ko na lang "Lord, I surrender. I humbly surrender my son" I'm just asking na tulungan mo cya na kayanin hangang pagdating ng daddy nya. Di kasi ganun kadali na makita na hirap na hirap ung anak mo. God gave me my 1st miracle. Pero ung 12-2:15am namin ang mga nakakatakot na sandali. Nagcacrash talaga ung puso ni Rylee pro lumalaban cya. itong mga oras na ito dito nangyari ung 3 beses na cardiac arrest nya. Sabi nung attending doctor lumalaban cya kaso mahina na talaga ung puso ni Rylee. Ung mga oras na un nasa labas lang ako ng NICU kasama ko ung kapatid ko. Traumatic na cya kasi ung mga allert sound ng mga makina ung tunog nung hangin ang sabi ko na lang di pa ba tapos? Yna tingnan mo kung tapos na. nilakasan ko ung loob ko na tingnan kaso ganun pa din. Sabi ko kay Rylee di iiyak si mommy kasi matapang ung anak ko. di na ako umiiyak nung mga oras na un. 2am, kinausap na ako ni Dr Janet Go na they tried to revieved him for more than 45mins pero ayun nga nahihirapan na cya kaya pinapasok na kami at inamin na nya na anytime pwede na bumigay si Rylee. I hold my son's hands and telling him that im really really sorry for he pain. That im so proud of him coz he's a fighter. I told him how much mommy and daddy loves him. I keep on kissing his feet and his hand at paulit-ulit ko na sinasabi na mahal na mahal ko cya. Sabi ko anak alam kong lumalaban ka para mahinatay mo si Daddy pero alam kong pagod na pagod ka na din ako na magsasabi kay daddy kung paano ka lumaban kung paano mo siya hinintay. Then I ask the doctor kung may priest, nakatawag sila ng pastor at nabigyan ng annointing of the sick si Rylee. Akala ko at baptism ay iisa, kinausap ko ung pastor sinabi ko na di pa nabibinyagan si Rylee pot ko. Habang pababa ang signs nya I asked for my 2nd miracle, nakiusap ako na anak isang hiling na lang ni mommy kung di mo na mahihintay si daddy please mabinyagan ka lang. and I got my miracle, Huminga si Rylee sa sarili nya nakita ko kasi sa moniotor nya pababa na mga signs nya. Pero dun sa hiniling ko sa kanya huminga siya ulit at lumaban. After nung baptism nya sabi ko anak thank you. Thank you for loving me. for being with me. You may now rest in peace. I love you. Mommy and daddy loves you so much and he had his last breath. It was a peaceful death. Everyone around me was crying even the doctors and nurses. Ako isiningaw ko lang ung name nya ng malakas na malakas at sinabi kong mahal na mahal ko cya. Pero di ako umiyak sa harap nya kasi nga fighter ang anak ko. Binigyan kami ni Rylee ng oras to cuddle him, but i cuddle him arround 1-2mins ang bigat nya kasi. di kasi un ung Rylee na kalaro ko at painadede ko. Ayaw ko maalala ung gnung kalagayan yan. Gusto ko happy memeories lang. I kissed him and hugged him telling him how much I love him, then I gave him back to the doctors at lumabas ako ng NICU.
Iyakan lang ang nangyari sa loob ng room na binigay sa amin ng mga nurses. around 3:30am nakiusap ako sa BF ng kapatid ko nasasama ako sa pagsundo kay Rudy sa airport. Kailangan ako ang magsabi sa kanya. I gave them instructions na wala muna silang pagsasabihan hangang di dumadating si Rudy. Sa pagpunta namin sa airport dala ko ung huling damit na ginamit nya ung celtics na green saka ung swaddle. Ang tagal ng oras dumating ang plane ni Rudy ng 5am. Nung nakita ko cya I just embraced him at dun ako umiyak ng umiyak. Dun ko nalaman na pagod na pagod na pala ako. Na kailanagan ko na umiyak at natutuwa ako na kasama ko na si Rudy. Sabi ko kay Rudy wag na wag nya ako iiwanan. Ang sakit ibalita sa asawa mo na wala na ung anak nya. Ikinuwento ko kung paano lumaban si Rylee para hintayin cya, even his doctor tried para lang magkita sila. Kaso pagod na si Rylee. rudy told me na nagparadam sa kanya si Rylee kasi sa airplane bigla nyang naamoy ung pupu ni Rylee at may umiyak na bata. Kinabahan cya nun. Nung tinignan nya ang oras 2:10am. sabi ko un ang oras na namatay si Rylee. Isa din sa pinakamasakit sa akin eh ung pagkikita nila ni Rylee sa may morgue kasi malamig na si Rylee nun. we keep on kissing him lalo ang asawa ko. Nung nailabas namin si Rylee from morgue para iuwi dito sa Hagonoy si Rudy ang sumakay dun sa service ng funeral ako sa isang sasakyan kasi baka bumigay ako. Sinabi ni Rudy na karga nya si Rylee mula paglabas ng parking ng St. Luke's hangang makauwi kami ng bahay nila. Kinakausap nya si Rylee pot ko kasi nga naalog baka masaktan.
Ung totoo di ko alam kung paano tatapusin itong email na ito. Kasi hangang ngayon di pa din ako makapaniwala na wala na sa amin si Rylee pot ko. Never kasi kami nakakita ng signs na may problema o may nararamdaman cya. I was there almost all the time. Aalis man ako nandun sina Mama at Papa para bantayan cya. Can i just close this with my message to my son Rylee.
Dearest Rylee pot,
I love you. I love you forever. Mommy love \s you so much. Son, thank you for coming into my life. Ikaw ang pinakamagandang regalo na natangap ko sa buhay ko. Kayo ng daddy mo ang pinakamagandang pangyayari sa buhay ko. Sa totoo lang nasasakatan talaga si mommy ngayon pero Mommy needs to be strong. Kung makikita mo man ako na umiiyak it's because kailangan ko ito gawin para mailabas ko ung sakit pero alam mo naman na ipinagkatiwala na kita kay Jesus. Anak, sa ngayon di ko alam, kami ng daddy mo kung san ulit magsisimula. di namin alam kung san kami pupunta. Ang mga lolo't lola pati mga tita at tito umikot ang mundo sau. In God's time maiintindihan namin ung dahilan.
Salamat anak at pinaranas mo sa akin maging ina. Mahal na mahal kita anak. Rest in peace my Rylee pot isasama natin si rubber ducky sa pagalis mo. Please anak tell Jesus to help me and daddy to move on to be sane. Till we meet again son. I love you forever. Mommy and Daddy loves you so much. I'm so proud of you my son. I love you. I love you. I love you. di na kita ulit mayayakap. Madaya ka di na natin nagawa ung surprise father's gift kay daddy. But i now happy ka na dyan. Laro na kayo nina Jesus. Ikamusta mo kami kay Angel at Uno. Wag kayo mag-aaway ha. Pagnagutom wag masyadong malakas ang iyak ha. I love you. I love you forever.
Love you son, Mommy Escie and Daddy Rudy.
--
Rudy and Escie Sebastian
October 17, 2009
Rys Rylee Joachim (Buchugg)
April 27, 2011 - May 16, 2011
Jurong East, Singapore